-- Advertisements --

Nagpasya si Arizona Senator Kyrsten Sinema na kumalas na sa Democratic Party.

Sinabi nito na nagparehistro na lamang siya bilang independent na politicians.

Dagdag pa nito na alam niyang marami ang nagulat sa kaniyang desisyon subalit ginawa lamang niya ang nararapat.

Paliwanag pa nito na hindi siya nababagay sa anumang partido sa US.

Mas nais pa niyang samahan ang mga Arizonans na hindi sinasang-ayunan ang mga partido sa pamamagitan ng pagdeklara ng pagiging independent.