-- Advertisements --

Naniniwala si House Deputy Minority Leader Stella Quimbo na hindi magiging epektibong stimulus package ang Accelerated Recovery and Investments Stimulus for the Economy of the Philippines (ARISE) bill kapah i-chop-chop ito sa ilalim ng 2021 General Appropriations Act (GAA).

Kung maging “piece-meal” ang approach aniya rito, lalabas na parang regular budget items lamang ang treatment sa proposed interventions ng ARISE.

Magiging mas mahirap aniya ang pag-monitor sa mga interventions na ito kapag paghiwa-hiwalayin ang naturang mga hakbang pati na rin ang pagpapatupad sa mga ito.

“ How do we know which of these are counted towards the incremental effort of responding to COVID? Baka naman yung akala natin na stimulus, matagal na palang plano yun kahit wala pang COVID,” ani Quimbo.

Kaya hinimok nito ang ehekutibo na makipagtulungan sa kanilang mga mamabatas para makabuo ng isang “coherent” COVID-19 recovery strategy.

Sa ibang mga bansa katulad na lamang ng United States at United Kingdon, sinabi ni Quimbo, na nakapaloob sa aniya’y distinct economic packages ang mga ginagawang hakbang para upang sa gayon ay masindihan ulit ang ekonomiya.

Importante aniya na may pangalan ang economic packages na ito dahil sumisimbolo ito ng pag-asa. 

“Parang apelyido ‘yan ng isang pamilya. May kanya-kanyang pangalan pero ang apelyido ang nagsasaad na iisa ang pamilya. Simbulo yan ng pagkakaisa,” dagdag pa ni Quimbo.

Hindi aniya dapat iitsapuwera lamang ang pinagtrabahuhan ng Kongreso lalo na sa panahon ngayon kung saan nahuhuli na ang Pilipinas sa ASEAN region pagdating sa paglaban sa COVID-19 crisis.