argentina abortion

Isusulong umano ni Argentinian President Albert Fernández sa Kongreso ang panukala na gawing legal ang abortion sa bansa.

Pinapayagan lamang ang abortion sa Argentina sa mga kaso tulad ng rape o kung malalagay sa alanganin ang kalusugan ng ina.

Subalit mahigpit itong ipinagbabawal sa Latin America.

Sa oras na maipasa ang naturang panukala, magsisilbi ang Argentina bilang pinakamalaking bansa sa rehiyon na pumapayag sa abortion.

Inamin ni Fernández na normal na umano ang pagpapalaglag para sa mga kababaihan. Tunkulin din daw ng estado na protektahan ang bawat mamamayan lalong lalo na ang mga kababaihan.

-- Advertisement --

Ipinangako rin ng presidente ang pagbalangkas ng programa upang mas mapabuti pa ang pagtuturo ng sex education sa bansa.