Pasok na semifnals ng FIFA World Cup ang Argentina matapos talunin ang Netherlands 4-3 sa penalty shoot out.
Unang nakapagtala ng goal sa first half ang Argentinian player na si Nahuel Molina sa loob 35 minuto sa laro na ginanap sa Lusail Stadium.
Naging matindi ang depensa ng dalawang koponan kung saan pagpasok second half ay naipasok ng Argentinian star Lionel Messi ang goal sa loob ng 73 minuto.
Nakabawi naman ang Netherland sa pamamagitan ni Wout Weghorst kung saan magkasunod na naipasok nito ang goal na ang una ay noong 83 minuto at pangalawa ay noong 110 minuto sa extended time.
Bilang panuntunan ay isinagawa ang penalty shootout kung saan ipinakita ng ranked number 3 na Argentina ang kanilang lakas laban sa ranked number 8 na Netherlands.