Todo pasalamat ang Filipina singer/actress na si Arci Munoz matapos na nakaharap nito ng personal si Sri Lankan President Maithripala Sirisena.

Nabatid na pumasyal sa nasabing Asian country ang 30-year-old actress para makita ang ilang scenic spots doon base sa kanyang Instagram page.

Ayon kay Arci o Ramona Cecilia sa tunay na buhay, pambihirang pagkakataon at hindi nito malilimutan ang naranasang hospitality ng 67-year-old Sri Lankan president.

Wala namang nabanggit ang aktres kung nasa Sri Lanka ito para sa work commitment.

Nitong Enero nang bumisita na rin sa Pilipinas ang pangulo ng Sri Lanka kung saan nagkaroon sila ng bilateral meeting ni Pangulong Rodrigo Duterte.