NAGA CITY – Ikinalungkot ng Archdiocese of Caceres sa lungsod ng Naga ang pagpanaw ng healing priest na si Father Fernando Suarez.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Father Louie Occiano, director of Caceres Commission on Communication, sinabi nitong sa kabila ng mga kontrobersiya na bumalot sa pangalan n Father Suarez ngunit mas marami parin aniyang magagandang legasiya ang iniwan nito noong nabubuhay pa.

-- Advertisement --

Ayon kay Occiano, palakaibigan si Suarez at hindi aniya ito mahilap lapitan kung kaya hindi maikakaila na marami itong kaibigan sa Bicol.

Sa kabila ng nangyari, marami parin naman aniyang healing priest sa bansa ngunit hindi lamang gaanong kilala gaya ni Father Suarez.

Kaugnay nito, ipinaabot ni Occiano ang pakikiramay ng Archdiocese of Caceres sa naulilang pamilya ni Suarez at sa mga kasamahan nito sa simbahan.