-- Advertisements --
Binalaan ng Archdiocese ng Manila ang mga mananampalataya na huwag makibahagi sa serbisyo ng ilang simbahan na hindi naman buong sumasang-ayon sa aral ng simbahang Katolika.
Base sa circular na inilabas ng Archdiocese ng Manila na ang sacraments na kanilang isinagawa ay iligal.
Tinutukoy dito ay ang Brazilian Catholic Apostolic Church at ilbang grupo gaya ng Old Roman Catholic at Old Roman Catholic Church.
Ang nasabing gawain ng nabanggit na simbahan ay taliwas sa paniniwala at gawain ng Simbahang Katolika.
Nanawagan sila sa mga pari na balaan ang kanilang mga parokyano ukol sa nasabing pagkalat ng mga gawain.