-- Advertisements --

Nanawagan si Davao Archbishop Romulo Valles ng pagiging kalmado at kahinahunan sa mga mananampalataya kasunod ng pag-aresto ng International Criminal Court (ICC) kay dating pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang naging laman ng kaniyang pastoral letter kung saan nanawagan ito ng pagkakaisa at piliin ang mahinahon na dialogo.

Dagdag pa ng dating pangulo ng Catholic Bishop Conference of the Philippine (CBCP) na mahalaga na maisulong ang hustisya ng pantay at may integridad at ito ay malayo sa mga partisan political motivation at personal vendetta.

Hinikayat nito ang gobyerno ng due process, tumugon sa isinasaad ng batas at igalang ang fundamental ng principle of presumption of innocence.

Sa huli ay nanawagan ito sa mga tao ng pagdarasal para sa tuluyang pagkakaisa ng mga tao.