Inilunsad ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang 21-days prayer for national healing from coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Sinulatan na ni Villegas ang mga parish priest na kaniyang nasasakupan para hikayatin ang mga mananampalataya nila na sumama sa nasabing pagdarasal.

Magsisimula umano ang nasabing pagdarasal ngayong July 16 kasabay ng Our Lady of Mount Carmel feastday at magtatapos sa August 5 sa Memorial of Dedication of the Basilica of Saint Mary Major.

Inabisuhan niya ang mga mananampalataya na dasalin ang Act of Consecraton at Prayer for National Healing in all Masses at families to pray the Rosary.

Ipinaliwanag ni Villegas ang kahalagahan ng numero 21 na sumisimbolo sa 21 rebellious acts ng Israelites matapos ang kalayaan mula sa Egypt.