Legal umano ang unprogrammed funds at listahan ito ng mga proyekto na maaaring pondohan sakaling magkaroon ng sobrang kita ang gobyerno.
Ito ang binigyang-diin ni House Committee on Appropriations Chairman at Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co at ang kaniyang sa petisyon na inihain ni Albay Rep. Edcel Lagman sa Korte Suprema na kumukuwestyon sa constitutionality ng dagdag na unprogrammed funds sa 2024 national budget.
Paglilinaw ni Co na hindi ito obligasyon o kontrata at hindi siya parte ng National Expenditure Program at maging ng programmed funds dahil wish list ito sakaling nagkaroon ng extra funds ang gobyerno.
Ayon sa mambabatas ang unprogrammed appropriations ay mapopondohan lamang kung maglalabas ng sertipikasyon ang Department of Budget and Management at ang Treasury na nagkaroon ng sobrang pondo ang gobyerno.
Ang unprogrammed funds ay bahagi umano ng NEP na isinusumite ng DBM sa Kongreso at taon-taon itong ginagawa at ikinokonsidera na isang magandang klase ng pagpaplano sa mga emergency situation.
Ipinunto ni Co na sa maraming taon ay hindi tinutulan ni Lagman ang ang pagkakaroon ng unprogrammed funds dahil ito ay isang lehitimong budget item.
Nang matanong kung totoo na nakakuha ng P51 bilyong unprogrammed funds si Davao City Rep. Paolo Duterte, sinabi ni Co na kailangan niya itong berepikahin.
Aminado si Rep. na nuong 18th Congress ay may narinig siyang napakalaking pondo na na-release sa Mindanao partikular sa Davao na tinatawag na Holy Land.