-- Advertisements --
Nagisa sa mga senador si dating Manila Chief City Prosecutor Rey Bulay, bago tuluyang nakumpirma ng Commission on Appointments (CA) ang appointment nito bilang commissioner ng Commission on Elections (Comelec).
Ilan sa naging punto ng tanong kay Bulay ang assets nito na pumalo ng P23 million ang pagtaas, sa loob lamang ng maikling panahon.
Inusisa rin siya hinggil sa mga pananaw nito sa mga nakabinbing usapin na may kinalaman sa politika.
Sa huli, mas nanaig ang pagtingin ng karamihang mambabatas kay Bulay, mula sa 40 taon nito ng karanasan sa legal practice at iba pang karanasan.
Mananatili ang bagong Comelec official sa naturang tanggapan hanggang Pebrero 2, 2027.