-- Advertisements --

Binasura ng Sandiganbayan ang hiling ni Jessica Lucila “Gigi” Reyes, dating chief-of-staff ni dating Senate President Juan Ponce Enrile, at humaharap sa kasong plunder na may kaugnayan sa isyu ng pork barrell scam.

Sa inilabas na resolusyon ng Sandiganbayan Third Division, imposible raw na tamaan ng COVID-19 si Reyes dahil wala pang naitatalang kaso ng deadly virus sa loob ng Camp Bagong Diwa.

Kasalukuyang nakakulong si Reyes sa Camp Bagong Diwa dahil sa umano’y naging papel nito sa pork barrel scam kung saan nakatanggap daw ng P172.8 million na kickback si Enrila mula kay Janet Lim Napoles.

Ang pork barrel scam ay isang conspiracy kung saan ang mga public funds mula sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) ay binibigay sa non-government organizations (NG0s) na itinayo o pagmamay-ari ni Napoles.

Dagdag pa ng Sandiganbayan na nasa isang area si Reyes na malayo sa ibang preso kung kaya’t imposible na tamaan ito ng deadly virus.

Noong May 27 ng taong kasalukuyan nang maghain ng motion for provisional release ang 57-anyos base sa reports umano na delikado ang mga preso sa loob ng Camp Bagong Diwa dahil sa COVID-19.