Hindi kinatigan ng liderato ng Philippine National Police Academy (PNPA) ang apela ng tatlong kadete na sangkot sa iskandalong oral sex noong October 6, 2018.

Ayon kay PNPA Dir. Jose Chiquito Malayo, kulang sa merito ang motion for reconsideration ng tatlo ngunit maaari pa namang umapela sa Philippine Public Safety College.

Una nang pinatalsik sa PNPA ang tatlo matapos mapatunayan na inutusan ng isang third class cadet ang dalawang plebo na mag-oral sex bilang parusa.

Habang ang dalawa namang iba pa ay pinatalsik din dahil sa pagsasa-walang kibo at pinanood lang ang ipinagawang kahalayan.