Pumalo na sa 40,000 ang mga air travelers na paputang Manila ang apektado ng mga kanseladong flights dahil sa Tropical Storm Paeng.
Base sa advisory ng Manila International Airport Authority (MIAA), kabuuang 295 flights sa 618 scheduled flights kahapon ang kinansela.
Nasa kabuuang 43,151 pasahero rin ang apektado rito.
Kasunod na rin ito ng pagsasara ng MIAA ng kanilang runway facilities dakong alas-4:00 kahapon dahil sa malakas na hangin.
Saka lamang ito binuksan dakong alas-10:00 ng gabi dahil sa paparating na Oman Air flight mula Muscat.
Sinabi naman ng operator na nag-offer na ang carriers ng rebooking at hotel accommodations sa mga nakarating na sa paliparan nang mas maaga sa kanilang scheduled flight pero mas marami raw ang mga pasaherong ninais na lamang na manatili sa loob ng mga terminal.