-- Advertisements --

Mas marami pang lugar ang uulanin ngayong weekend dahil sa tropical depression Agaton.

Ayon sa Pagasa, halos walang naging pag-usad ang bagyo, kaya nakahatak pa ito ng makapal na ulap.

Huling namataan ang sama ng panahon sa layong 125 km sa silangan timog silangan ng Guiuan, Eastern Samar.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 kph at may pagbugsong 55 kph.

Dahil dito, nakataas ang tropical cyclone wind signal number one sa Eastern Samar, Dinagat Islands, Siargao at Bucas Grande Islands.