-- Advertisements --

Inaasahang magdadala ng gintong medalya si Anton Ignaio, 19-anyos, sa larangan ng jet ski sa 2025 Southeast Asian (SEA) Games kung saan apat (4) na beses na itong naging world champion at kamakailan lang ay nagwagi ng dalawang title sa International Jet Sports Boating Association World Finals.

Aminado si Ignacio na natakot siya noong una sumubok at nanatili lang sa swimming pool, ngunit sa tulong ng kanyang ama, isang dating national champion na ngayon ay kanyang coach, at ng kanyang ina bilang manager, nakamit niya ang kasanayan at kumpiyansa sa Jet Sports.

Araw-araw niyang pinaghahandaan ang kompetisyon sa Subic Bay, kasabay ng pag-eehersisyo at pag-aaral.

Sa kanyang unang SEA Games noong 2023 sa Cambodia, sinabi niyang ito ay isang “warm-up” lamang. Ngayong handa na ang binata na makapaghatid ng ginto para sa Pilipinas sa susunod na SEA Games.

‘I’m really ready, and I want to get that gold for the country,’ saad ni Ignacio.