Nakatakdang maglabas ng subpoena sa araw ng Lunes ang National Bureau of Investigation (NBI) laban sa ilang indibidwal na miyembro ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC).
Ang nasabing hakbang ay bilang paninimula ng kanilang imbestigasyon sa umanoy nadiskubreng anomalya noong 2019 Southeast Asian Games.
Sinabi ni Atty. Melvin Matibag ang hepe ng National Bureau of Investigation na nakakuha ito ng kopya ng General Infomation Sheets ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) mula 2019 hanggang 2026 kasama na rin ang financial at audited financial statements na gagamitin nila sa imbestigasyon.
Nakatuon ang imbestigasyon nila sa mahigit na P650 milyon na gastos sa renta at mahigit P300 milyon na consultancy fees.
Wala ang pangalan ni Senator Alan Peter Cayetano na noon siya ang nagsilbing hepe ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) kung saan sinabi ng NBI chief na isa ito sa kanilang iimbestigahan.
Isa sa mga nais din na bigyang linaw ngayon ng NBI ay tanuningin ang Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) officials kung ano ang papel kung mayroon ni Cayetano at bakit hindi lumabas ang pangalan nito sa corporate records.
Magugunitang noong 2019 SEA Games ay naging host ang Pilipinas na pinangunahan noon ni Sen. Cayetano.
















