-- Advertisements --

Pinaghahandaan na ng health ministry sa Japan ang pag-aapruba sa antigen test kits na kayang magsagawa ng mabilisang screening ng coronavirus infection.

Sa pamamagitan ng naturang test ay kukuhanan ng swab ang pasyente sa kaniyang ilong.

Ang PCR testing ang primary method na ginagamit sa Japan para ma-detect ang COVID-19 infections ngunit hindi tulad ng PCR test ay hindi kinakailangan ng expert skills upang gamitin ang bagong antigen kit.

Kaya rin nitong maglabas ng resulta sa loob lamang ng 30 minuto kumpara sa 4-6 hours ng PCR testing.

Sa oras na maaprubahan ay magiging limitado lamang ang paggamit ng bagong test kung saan coronavirus outpatient facilities sa Tokyo, Kanagawa, Osaka, Hokkaido at iba pang rehiyon ang papayagan gumamit nito.

Ayon sa manufacturer nito ng Fujirebio, kaya umano nilang mag-supply ng 200,000 kits kada linggo habang ang test fees ay sasagutin ng national health insurance.