-- Advertisements --

Napatay umano ng Israel military ang Hezbollah anti-tank commander.

Ayon sa Israel Defense Forces na nasawi si Ismail Al-Zin sa air-strike na kanilang isinagawa sa bayan ng Kounine sa southern Lebanon.

Tinamaan umano nila ang sasakyan ni Al-Zin sa nasabing air strike.

Kinumpirma ng Hezbollah ang pagkasawi ng Al-Zin subalit hindi na nagbigay pa ng anumang detalye.