Reading Time: 1 minute

Hinikayat ni Anti-Red Tape Authority managing director Jeremiah Belgica ang lahat ng mga local government units na magtayo sila ng one-stop business shops.

Ito ay para maiwasan ang lahat ng uri ng pangungurakot.

Ang nasabing hakbang ay kasunod na rin ng kautusan ng Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng mabilisang proseso ng government documents.

Magugunitang pinuna ng Pangulo ang matagal na paglabas ng mga dokumento na ipinoproseso sa iba’t ibang opisina ng gobyerno.