-- Advertisements --
Aminado ang mismong mga mambabatas na hindi nagtatagumpay ang anumang panukalang magtutulak para sa isang anti-political dynasty bill.
Sa Kamara pa lang, mahigit kalahati na ang mga kongresistang may kaugnayan sa pamilya ng mga politiko.
Kaya ang mga bill ukol sa pagbabawal sa dynasty ay walang nararating.
Sa Senado naman, dati nang ipinasa ni Sen. Grace Poe ang Senate Bill 1480, ngunit hindi pa rin ito naging batas.
Marami rin kasi sa mataas na kapulungan ng Kongreso ang may kamag-anak na nasa larangan ng politika.
Pero una nang depensa ni Sen. Nancy Binay na bahagi rin ng pamilya na nasa politika, hindi labag sa batas ang pagkakaroon ng magkakamag-anak sa gobyerno, lalo’t taongbayan naman ang bumuboto para sa kanila.