-- Advertisements --

Pinag-aaralan na ngayon ng Department of Trade and Industry (DTI) ang posibilidad na bawiin na ang memorandum circular na naglilimita sa pagbibenta at pagbili ng ilang basic commodities.

Sinabi ni Trade Usec. Ruth Castelo na “very stable” na kasi aniya hindi lamang ang presyo kundi maging ang supply ng basic commodities sa bansa.

Sa katunayan ay nakakatanggap na nga aniya sila ng mga request mula sa mga manufacturers at retailers na tanggalin na ang anti-hoarding at anti-panic buying memorandum circular ng DTI.

Mababatid na Marso 19 nang inilabas ng DTI ang Memorandum Circular No. 20-07 dahil sa hoarding at panic buying na ginawa ng mga consumers, na pinayagan lamang din ng ilang retail stores.

Kabilang sa mga produkto na nilimitahan ang maaring bilhin ng isang mamimili ay ang alcohol, hand sanitizer, disinfecting liquids, bath soap at marami pang iba.