-- Advertisements --

Nitong araw lamang nakumpirma na babalik na sa paglalaro si Milwaukee Bucks star forward Giannis Antetokounmpo eksakto sa Game 1 ng NBA finals nila laban sa Phoenix Suns.

Sinabi ni Bucks coach Mike Budenholzer na lumahok na rin si Giannis sa ginawang ensayo ng koponan.

Aniya, game time decision ang kalagayan ng dating two-time MVP kung saan ang pinal na desisyon ay nasa kamay din ng kanilang doktor.

Sa kabila nito, handa rin naman silang makipagsabayan daw sa Suns dahil may ilang manlalaro ang mga ito gaya nina Khris Middleton, Jrue Holiday at Brook Lopez na nagwagi sa conference finals laban sa Hawks kahit dalawang games na nawala si Giannis.

Magugunitang nagtamo ng hyperextended left knee injury si Antetokounmpo sa Game 4 Eastern Conference finals nila ng Atlanta Hawks.