Nananatiling mababa pa rin sa minimum opertaing level ang antas ng tubig sa Angat dam na nagsusuplay ng 95% ng kinakailangang tubig sa Metro Manila.
Ayuon kay National Water Resources Board (NWRB) executive director Sevillo David Jr., ang kasalukuyang antas ng tubig sa naturang dam ay nasa 177.93 meters na mas mababa sa 180 meters na minimum operating level kumpara noong nakalipas na taon.
Ayon sa NWRB official na hindi naabot ng mga pag-ulan kamakailan ang watershed dahil ang nagdaang bagyo ay sumentro sa Northern luzon areas.
Bagamat sa ngayon, ayon kay David, mayroon pang sapat na tubig ang Angat Dam para masuplayan ang pangangailangan ng mga consumers.
Sinabi din nito na ang target water level para sa Angat dam para matiyak na mayroong sapat na water supply sa taong 2023 ay dapat na nasa 212 meters.
-- Advertisements --