Sa kabila ng mga pag-ulan dala ng mga nagdaang bagyo, wala pa rin sa “comfortable level” ang antas ng tubig sa Angat dam at iba pang reservoirs partikular na sa Luzon.
Paliwanag ni NWRB executive director Dr. Sevillo David Jr. na hindi naabot ng mga pag-ulan sa parteng Luzon ang watershed.
Saad pa ni David na ang antas ng tubog sa Angat Dam ay nasa 189.54 meters na hindi sapat para magpag-secure ng suplay ng tubig para sa Metro Manila households at kailangang patubig ng mga magsasaka para sa kanilang sakahan sa Bulacan at Pampanga.
Ayon sa NWRB official, dapat na umabot sa 212 meters ang antas ng tubig sa dam sa katapusan ng taon para matiyak na mayroong sapat na suplay ng tubig para sa mga consumers sa panahon ng dry season.
Liban pa sa Angat dam, ang antas ng tubig sa Pantabangan saprobinsiya ng Nueva Ecija at San Roque Dam sa San Manuel, Pangasinan ay mababa na nasa 196.98 meters at 264 meters kumpara sa Normal High water levels ng nasabing mga dam na na dapat ay nasa 218.50 meters at 280 meters.
-- Advertisements --