-- Advertisements --

Binigyan lamang ng hanggang Setyembre ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año ang lahat ng alkalde sa bansa para linisin ang mga pampublikong kalsada mula sa mga nakahambalang na sasakyan at iba pa.

Sa isang panayam sinabi ni kalihim na nakatakda niyang kausapin ang mga mayor at city administrator ng local government units (LGU) ngayong araw para ibaba ang naturang kautusan.

Sa ilalim ng order, gusto ni Año na alisin sa tabi ng kalsada ang mga street vendors, basketball court, barangay hall at presinto ng pulis.

Nagdudulot daw kasi ito ng masikip na daloy ng trapiko kapag may mga nagpa-park ng sasakyan.