Balik na sa kanyang trabaho si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año kasunod ng kanyang extended leave of absence na nagsimula noong Enero 2021.
Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya may scheduled meeting si Año kaninang umaga kasama ang mga opisyal ng kagawaran.
Binigyan na rin kasi aniya ng clearance ng kanyang mga doktor si Año para makabalik na sa trabaho.
Labis namang nagpapasalamat sina Malaya sa lahat ng mga nagdasal at nagbigay suporta sa kalihim.
Magugunitang nagsimula ang leave of absence ni Año noong Enero bilang bahagi ng kanyang pag-recover matapos na tamaan ng COVID-19 ng dalawang beses noong nakaraang taon.
Nauna nang pinalawig ni Año ang duration ng kanyang leave of absence noong Pebrero at pinalawig pa ulit ng hanggang Marso.
Sa kanyang medical checkup noong Enero, pinayuhan ng kanyang mga doktor si Año na maghinay-hinay muna sa kanyang trabaho at magpahinga sa mga stressful activities.