-- Advertisements --

Target ng Kamara na mapadali ang pagpapawalang bisa ng kasal ng mag-asawa.

Sa House Bill 502 na inihain ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, kapag limang taon nang magkahiwalay ang mag-asawa ay maari na nilang ipawalang bisa ang kanilang kasal.

Layon ng panukala ni Barbers na amyendahan ang bahagi ng Executive Order No. 209 o ang Family Code of the Philippines.

Dito ay hindi na kailangan pa ng malalim ng rason para bigyan ng dahilan ang paghihiwalay ng mag-asawa sa annulment proceedings.

Nakasaad dito na malabo nang magkabalikan pa ang limang taon nang magkahiwalay na asawa kaya mainam na remedyo rito ay ang annulment.