-- Advertisements --

Labis ang kasiyahan ni Anne Curtis matapos na umabot sa mahigit 18 milyon na ang followers nito sa Instagram.

Sa nasabing photo-sharing app ay nag-post ito ng larawan kasama ang anak na si Dahlia.

May caption ito na kahit hindi siya gaano ka-aktibo ay patuloy pa rin ang pagtaas ng bilang ng kaniyang mga fans.

Dahil dito ay itinuturing ngayon ang actress bilang most followed celebrity sa bansa kung saan mayroon din itong mahigit 14-M followers sa Twitter.

Noong Disyembre 2020 ay kabilang siya sa Top 100 Digital Stars in Asia ng Forbres Magazine dahil sa dami ng mga social media followers nito.