-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Dalawang araw ng hindi tumaas ang bilang ng mga namatay sa COVID-19 sa Las Vegas, Nevada matapos maitala ang huling bilang na 110 noon pang Biyernes Santo. 

Ayon kay Bombo international correspondent Cathy Tobes, dating presidente ng KBP Butuan City/Agusan del Norte Chapter resulta ito ng home quarantine na ipinapatupad sa buong Las Vegas, Nevada.

Bagama’t maraming mga residente ang dismayado rito, malaki naman aniya ang naitulong ng naturang hakbang upang sa gayon ma-control ang bilang ng mga nagpo-positibo sa naturang sakit.

Mahigpit naman aniyang sinusunod ang patakaran sa paggamit ng face masks sa tuwing lalabas ng bahay.

Samantala, dahil kakulangan sa supply ng ventilators, sinabi ni Tobes na tumatanggap na rin ngayon ng animal ventilators ang mga health workers.

Ito ay para aniya may magamit lamang ang mga COVID-19 patients sa tuwing nahihirapan sa paghinga.