-- Advertisements --

Tila mas lalong magiging inspired si Angel Locsin sa kanyang humanitarian works.

Ito’y matapos mapabilang sa listahan ng 400 young leaders na binigyang pagkilala ng kilala ng Tatler Asia.

Ayon sa 35-year-old actress, isang karangalan pero asahan na mananatiling mapagkumbaba sa nakamit na pagkilala.

Ang pagbibigay-pugay ng nasabing society magazine kay Locsin ay para sa kanyang “tireless philanthropic work in education, domestic violence and health.”

“Initially famous for her television work, Angelica Locsin became a household name for her philanthropic work, particularly since she donated US$300,000 to scholarships for the less fortunate, as well as supporting the economic and political rights of indigenous people, and working to end violence against women and children,” saad ng Tatler.

Kabilang pa sa mga Pinoy na kinilala ay ang gymnast na si Carlos Yulo, Angkas founder George Royeca, Chief of Staff at anak ni Sen Grace Poe na si Brian Poe Llamanzares, fashion designer Mich Dulce, at photographer Ezra Alcayan.