angel locsin

Napili bilang anti-piracy ambassador ng Optical Media Board (OMB) ang actress na si Angel Locsin.

Ito mismo ang kinumpirma ng OMB na magiging bahagi na ang actress sa pagkalat ng mga namimirata ng mga pelikula sa bansa.

Magugunitang noong nakaraang taon ay napili ang actor na si Piolo Pascual sa nasabing puwesto.

Nauna rito hinangaan ng marami ang actress dahil sa pagtulong nito sa mga biktima ng malakas na lindol sa Mindanao at iba pang bahagi ng bansa na kinilala rin ng Forbes Asia dahil sa kaniyang pagtulong sa mga mahihirap.