-- Advertisements --

Nilinaw ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na hindi sila nagkukulang sa mga ginagawang hakbang para tugunan ang water interruption dulot ng mababang lebel ng tubig sa Angat Dam.

Aminado si MWSS administrator Reynaldo Velasco na hindi madali ang pagdepende lang sa tubig ulan lalo na’t panahon pa rin ng weak El Niño.

Batay sa latest monitoring ng mga otoridad, bumaba pa sa 159.9-meters above sea level ang tubig sa Angat Dam nitong umaga.

Kaugnay nito umaaa ang MWSS na hindi na lalala ang sitwasyon sa naturang dam kaya ngayong araw daw ay nakatakda niyang pulungin ang technical working group.

Bukas naman haharap sa pagdinig ng Kamara ang mga opisyal hinggil sa water supply shortage ng Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.