Masayang ibinahagi ng actress na si Andi Eigenmann na ito ay engaged na sa kinakasamang si Philmar Alipayo.

Sa kaniyang Instagram account, nagpost ito ng larawan nilang dalawa habang may suot na singsing ang actress.

Ikinuwento pa nito na isinagawa ang pag-alok ng kasal ng surfing champion habang sila ay nagbabakasyon sa isang resort sa Batangas.

Magugunitang noong nakaraang linggo ng ibinunyag ng actress na lalaki ang ipinagbubuntis nito.

Nagdiwang na isang taon na kaarawan ang panganay nila na si Lilo.