Jerwin Ancajas

Sinimulan na ni Filipino boxer Jerwin Ancajas ang kanilang training sa Stockton, California.

-- Advertisement --

Kasunod ito sa nalalapit niyang pang-pitong pagdepensa ng kaniyang International Boxing Federation (IBF) super-flyweight crown laban sa challenger na si Ryuichi Funai sa Mayo 4.

Ito ang unang laban ni Ancajas ngayong 2019 matapos ang tatlong laban nito noong 2018 na sina Israel Gonzales at Alejandro Santiago ng Mexico at Jonas Sultan ng Pilipinas.

Hindi naman makakadalo sa laban si Filipino boxing champion Manny Pacquiao at sa halip ay kakatawanin na siya ni Sean Gibbons.