-- Advertisements --
Patuloy ang paghabol sa timbang ni Filipino boxer Jerwin Ancajas.
Ito ay para sa nalalapit na rematch niya kay Fernando “Pumita” Martinez ng Argentina sa darating na Oktubre 8.
Noong unang paghaharap nila kasi ay nahirapan siya dahil sa hirap nitong makuha ang tamang timbang kaya natalo ang kaniyang IBF junior bantamweight title.
Sinabi nig kaniyang trainer na si Joven Jimenez na ang timbang ni Ancajas ngayon ay mas magaan ng 10 pounds.
Bantay sarado aniya ang kaniyang timbang mula sa mga tao na ipinahiram ng Philippine Sports Commission.
Sa araw pa ng Sabado ay nakatakdang magtungo sa US ang kampo ni Ancajas para sa nasabing rematch na gaganapin sa Carson, California.