Nasa matinding pagsasanay na ngayon si reigning IBF world super flyweight world champion Jerwin Ancajas.

Nakatakda kasing kaharapin nito si Jonathan Javier Rodriguez ng Mexico sa susunod na buwan.

Ayon sa trainer nito na si Joven Jimenez, na agad silang magtutungo sa USA kapag naisapinal na ang kontrata.

Mayroong dalawang sparring partners na silang kinuha para sa susunod na laban at makikipagpulong pa sila sa Top Rank para maplantsa ang nasabing planong title defense.

Sa ngayon ay nagsasagawa ng ensayo si Ancajas sa Survival Camp sa Magallanes, Cavite.

Mayroong record ang 28-anyos na si Ancajas na 32 panalo, 1 talo, 2 draw na mayroong 22 knock outs habang ang 24-anyos na si Rodriguez ay mayroong 21 panalo, isang talo at 15 knockouts.