Kapwa pasok sa timbang para sa kani-kanilang laban sa Carson, California sa araw ng Linggo.
Magkakaroon kasi ng rematch ang 30-anyos na si Ancajas kay Fernando Martinez para sa kanilang IBF super-flyweight championship.
Tinalo kasi ni Martinez ang Pinoy boxer noong Pebrero sa pamamagitan ng 12-round unanimous decision.
Sa ginawang weigh-in ay kapwa tumimbang ng 114 pounds sina Ancajas at Martinez.
Habang ang 26-anyos na si Marcial ay makakaharap si US boxer Steven Pichardo.
Tumimbang ng 161.2 lbs. si Marcial para sa kanilang 162 lbs. six-round boxing match habang lumagpas si Picardo ng 162.4 lbs. kaya pinabalik ito ng isang oras. \
Matapos ang isang oras ay tumimbang na siya ng 161.8 lbs.
Ang laban ng dalawa ay undercard sa main event na sina Carlos Ocampo laban kay Sebastian Fundora para sa 12-round superwelterweight title.