-- Advertisements --

Inaresto ng mga otoridad sa Mexico ang anak na lalaki ng notorious drug lord Joaquin “El Chapo” Guzman na si Ovidio Guzman.

Isinagawa ang pag-aresto sa Sinaloa kung saan nagkaroon pa ng engkuwentro.

Itinuturing ng US State Department na si Guzman bilang high-ranking member ng Sinaloa Cartel.

Noong Oktubre 2019 ay naaresto na pero pinalaya siya ni dating Mexican President Andres Manuel Lopez para maiwasan ang pagdanak ng dugo.

Dahil sa pagkaaresto ngayon ni Guzman ay nagkaguo ang lugar kung saan umalma ang mga supporters nito.

Nanawagan naman si Mexican President López Obrador sa mga residente na huwag umalis sa kanilang kinaroroonan dahil kontrolado umano ng kaniyang kapulisan ang kaguluhan.