No hard feelings si 2019 Miss World-Philippines Michelle Dee sa kabila ng pagkaabot lamang hanggang sa Top 12 ng 69th Miss World coronation na isinagawa sa London.

Ayon sa 23-year-old model, alay niya pa rin sa mga kababayang Pinoy ang naging performance sa Miss World pageant.

Hindi rin nito nakalimutang pasalamatan ang kanyang ina at dating Miss International na si Melanie Marquez.

“The best part is being surrounded by many inspiring women. All of us have the shared goal of trying change the world to make it world a better place. It’s so exciting to see what’s going to happen after,” saad nito sa ABS-CBN.

Kung maaalala, hataw si Dee sa pre-pageant activities kung saan pasok siya sa Top 40 dahil sa pagkakapanalo nito sa Head to Head challenge kung saan isa-isang nagtalumpati ang mga kandidata tungkol sa kani-kanilang advocacy.

Nakaabot din sa Final 20 ang kanyang “Beauty With A Purpose” project na dating Miss World Scholarship.

Una nang naiulat na kinoronahang Miss World ngayong taon si Toni-Ann Singh ng Jamaica. Second place naman si Ophely Mezino ng France at third place si Suman Rao ng India.

Sa ngayon ay mayroon pa lamang isang Miss World crown ang Pilipinas sa pamamagitan ni Megan Young noong 2013.