Vivien Tan
Vivien Tan

Itinalaga ang anak ng bilyonaryong si Lucio na si Vivienne K. Tan bilang member of the board ng Philippine Airlines (PAL).

Makakasama nito ang 15 ibang mga members of the board of directors.

Bukod sa nasabing posisyon ay kasalukuyang hinahawakan nito ang pagiging vice president for treasury, treasure at chief administrative officer.

Kasabay rin inanunsiyo ng PAL ang pagbaba sa puwesto nina board member Cirilo Noel, senior vice president of corporate planning Angelito Alvarez at PAL general counsel and senior vice president Siegfred Mison.

Ang pagbaba ng nasabing mga opisyal ay kasunod ng pagretiro ng longtime president ng PAL na si Jaime Bautista nitong Hunyo.