Arestado ang anak ni Colombian President Gustavo Petro na si Nicolas Petro dahil sa imbestigasyon ng money laundering at kuwestiyonableng pagyaman.
Si Petro na isang kongresista sa Atalntico province ay unang inimbestigahan ng opisina ng attorney general noon pang Marso dahil sa nasabing akusasyon.
Inakusahan kasi siya na kumuha ng pera sa mga drug traffickers kapalit ng pagsama sa kanila sa ginagawang hakbang ng ama na nagpapatupad ng usaping pangkapayapaan sa mga criminal organization sa Caribbean region.
Mariing pinabulaanan ni Petro ang alegasyon at sinabing pamumulitika lamang ang lahat na sumisira sa kaniyang trabaho.
Sa panig ng kaniyag ama na pangulo ay sinabi niyang nasaktan siya sa pagkakaaresto ng anak per pinatitiyak niiya na magiging patas ang imbestigasyon ng mga prosekusyon.