Patay sa car bombing ang anak ni Alexader Dugin na isang hardline Russian ideologue na malapit kay President Vladimir Putin.
Naganap ang pagpapasabog sa ourskirt ng Moscow ayon sa mga otoridad sa naturang lugar.
Ayon sa ilang mga miyembro ng pamilya ni Dugin, si Dugin na vocal supporter ng opensiba ng Kremlin sa Ukraine ang posible umanong target ng pagpapasabog pero hiniram ng kanyang anak ang kotse.
Si Daria Dugin ay ipinanganak noong 1992 ay namatay dahil na rin sa sumabog na bomba na inilagay sa kanyang Toyota Land Cruiser.
Nangyari ang insidente sa highway malapit sa village ng Bolshie Vyzyomy na nasa 40 kilometers sa labas ng Moscow, Russia.
Si Dugin ay tinatawag na “Putin’s Rasputin” o “Putin’s brain,” ay isang outspoken Russian ultranationalist intellectual.