Sinampahan ng dalawang count ng first-degree murder ng Los Angeles County prosecutors si Nick Reiner, 32, anak ng sikat na direktor na si Rob Reiner at ng kanyang asawa na si Michele Singer Reiner, kaugnay ng brutal na pagpatay sa mag-asawa sa kanilang tahanan sa Brentwood noong Disyembre 14.
Ayon sa piskalya, kabilang sa kaso ang special circumstances, kabilang ang paggamit ng isang matalim na sandata at ang pagpatay sa dalawang tao, na pwedeng magresulta sa habambuhay na pagkakulong nang walang parole o death penalty, bagaman hindi pa pinal na desisyon kung hihilingin ng prosekusyon ang parusang kamatayan.
Nabatid na natagpuan ang mag-asawa na wala nang buhay at puno ng saksak sa loob ng kanilang bahay, at umano’y si Nick lang ang nasa bahay kaya agad itong inaresto ilang oras pagkatapos ng insidente at kasalukuyang nakakulong nang walang bail habang hinihintay ang pormal na paglilitis.
Ang balita ay nagdulot ng pagkabigla sa Hollywood at sa publiko, na kinilala sina Rob Reiner bilang beteranong direktor ng mga pelikulang tulad ng ”When Harry Met Sally” at ”The Princess Bride,” at si Michele naman bilang isang photographer at aktibo sa mga adbokasiya.












