-- Advertisements --
PILI MUNICIPAL HALL

NAGA CITY – Kinumpirma ng Land Transportation Office (LTO)-Bicol na walang lisensiya ang anak ng alkalde ng Pili, Camarines Sur ng masangkot ito sa aksidente na ikinamatay ng isang retired Philippine Army.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Glenn Mancera, OIC ng Operations Division ng LTO-Bicol, sinabi niyang nang kanilang i-check ay wala talaga itong lisensiya.

Kung maaalala, noong Hulyo 3, 2020 ng mangyari ang naturang aksidente na kinasangkutan ng anak ng alkalde na si Analyn Bongalonta habang kinilala naman ang namatay na si Retired Phil Army Adrian Dionson Villasor.

Ito ay matapos na bumangga ang motorsiklo na minamaneho ni Villasor sa sasakyan ni Bongalonta.

Samantala, nilinaw naman ni Mancera na hindi sila kasali sa imbestigasyon hinggil sa naturang insidente.

Sa ngayon, umaasa ang pamilya Villasor na mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng naturang biktima.