ILOILO CITY-Patay ang isang ama matapos pinukpok sa ulo ng sariling anak sa Brgy. Barasan, Pototan, Iloilo.

Ang biktima ay si alyas Giovani, 61 anyos samantalang ang suspek naman si alyas Ericson, 37 anyos na nakatira sa Taft North, Mandurriao, Iloilo City.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay PSSg. Raffy Gonzales, imbestigador ng Pototan Municipal Police Station, sinabi nito na binisita umano ng suspek at ng kanyang 10 taong gulang na anak na lalaki ang biktima sa bahay nito sa Pototan.

Ayon kay Gonzales, habang nakahiga ang biktima sa kanyang kwarto, pinasok ito ng suspek at pinukpok gamit ang maso kung saan nakita mismo ng sampung taong gulang na anak ng suspek ang nangyari

Base sa imbestigasyon, sinabi umano ng suspek na sinaniban ito ng masamang espiritu kung kayat nagawa nito ang krimen.

Napag-alaman ng isang seaman ang suspek at isan taong taon nang hindi nakabalik sa trabaho.