-- Advertisements --

Pasado na sa Senate committee on youth ang panukala para amyendahan ang kasalukuyang Sangguniang Kabataan Reform Act of 2015.

Target ng panukala na palawigin pa ang partisipasyon ng mga kabataan, kumpara sa kasalukuyan nilang trabaho.

Ayon kay Senate committee on youth chairman Sen. Sonny Angara, nagkaroon sila ng malalimang konsultasyon sa iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan, bago ito inaprubahan sa kanilang lupon.

Mababatid na kabilang sa mga nais baguhin sa batas ang pagbibigay ng honoraria sa mga miyembro ng SK.

Ang ilalaang pondo sa grupo ng kabataan ay pupwede ring magamit sa iba pang pangangailangan, para sa ikabubuti ng komunidad.