-- Advertisements --

Humirit si dating Pangulong Rodrigo Duterte ng interim release at malagay sa hindi na binanggit na bansa.

Sinabi ng kaniyang abogado na si Nicholas Kaufman na mayroong isang hindi na binanggit na bansa ang nagpahayag na tanggapin ang dating pangulo.

Nakasaad sa inihain na petisyon ni Kaufman, na hindi naman maselan ang kalagayan ni Duterte para mag-flight at natitiyak ang pagdalo nito sa mga mga pagdinig sa korte.

Naniniwala ito na hindi papahiyain ni Duterte ang bansa na nais kumupkop sa kaniya.

Ang hindi na binanggit na bansa ay state party sa Rome Statue na ang tratado ay itinaguyod sa International Criminal Court.

Giit din ng abogado ng dating pangulo na hindi naman kumontra dito ang prosecution.

Umaasa sila na maaprubahan ng ICC Pre-Trial Chamber ang kanilang hirit ng interim release.

Magugunitang noong buwan ng Marso ng makulong ang dating pangulo sa ICC Detention Center sa Scheveningen, The Hague Netherlands dahil sa crime against humanity.