Nanawagan ang grupong Amnesty International kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr na tuldukan ang nangyayaring extrajudicial killings.
Ayon kay Amnesty International Philippines Director Butch Olano, na hindi pa nawawala ang extrajudicial killings mula ng umupo si Pres. Marcos noong 2022.
Base sa ginawang pag-aaral ng Dahas Project ng University of the Philippines Third World Studies Center na mayroong mahigit 600 na drug-related killings ang naitala ngayong Marcos administration.
Dahil dito ay mahalaga na magkaroon ng mahigpit na polisiya ang gobyerno at matapos na ang war on drugs lalo na ang extrajudicial killings.
Isa sa mga hiling nila na maglaan ang gobyerno ng sapat na pondo para sa rehabilitations sa mga nalulunod sa iligal na droga.
Una ng sinabi ni Pangulong Marcos na patuloy ang pagpapaigting ng kaniyang gobyerno sa paglaban kontra iligal na droga.