-- Advertisements --

Dismayado si Senate blue ribbon committee chairman Sen. Richard Gordon sa umano’y kakulangan ng aksyon ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) at iba pang tanggapan ng gobyerno laban sa mga iligal na aktibidad na may kaugnayan sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Sa pagtatanong kasi ni Gordon, lumabas na may mga isyung hindi pa naaaksyunan ang AMLC at nasa information gathering pa lang sila.

Pero giit ng senador, nailabas na nila ang mga patunay ukol sa pagpupuslit ng bilyon-bilyong pera ngunit wala pa ring kongkretong hakbang ang nasabing tanggapan.

Inaasahang itutuloy pa ang hearing sa susunod na linggo, dahil hindi pa nahihimay ang ibang isyu kagaya ng sex at human trafficking, kidnapping, pati na ang iba pang POGO related crimes.